Ito ang sampung dahilan bakit wala pang asawa…
November 14, 2006para sa mga sa mga single:
Ilang ulit na bang nangyari sa iyo ito? Ngayon ang kasal ng pinsan mo. Heto ka ang ganda-ganda mo. Naghanda ka talaga dahil minsan-minsan lang ang okasyon sa pamilya nyo. Kadalasan sa mga lamay na lang kayo nagkikita-kita so ngayong kasal ng pinsan mo, gusto mo namang maging maganda at mapansin nila. Aba, napansin ka nga. Ganito ang tanong ng lahat ng kaanak mo sa iyo… "O ikaw kelan ka ikakasal?", "Uy, ikaw na ang susunod ano?" Parang gusto mo na sa susunod na lamay sila naman ang sabihan mo ng "Ikaw,kelan ka susunod?"? (Parang ang sarap sampalin ng mga taong ganun nuh? pakelam mo ba…???Mind your own business, scratch your own galis! hahaha!)
Huwag kang malungkot. Ito gusto nga kitang sumaya kaya sinulat ko ito. Hindi ka dapat malungkot dahil maraming posibleng dahilan bakit hindi ka pa kinakasal hanggang ngayon. Hayaan mo silang mainip sa paghihintay. Basta kung okay ka, okay ka. Hayaan mo tulungan kita mag-isip kung bakit wala ka pa ring asawa hanggang ngayon. Naisip ko na 'yan eh. Ito ang sampung dahilan bakit wala pa:
1. Kailangan mong mag-concentrate sa career. Hindi na uso ang mga babaeng pambahay ngayon. Kalimitan meron ng tinatawag na career. Habang hindi ka pa tinatamaan ng palaso ni kupido, hamo na munang mag-concentrate ka sa trabaho mo. Kailangan mong ma-achieve ang full potential mo bago ka mag-asawa, kasi 'pag nag-asawa ka na, tanggapin na natin, iba na ang mga prioridad mo sa buhay. Lagi ng mauuna ang pamilya. Habang feel mo pang lumaban ng lumaban sa rat race at umakyat ng umakyat sa corporate ladder, huwag mong panghinayangan na wala ka pang sariling pamilya.
2. Masyadong mataas ang standards mo. Ibaba mo kasi ng konti, baka naman kahit si Rizal hindi ma-achieve yung standards mo. Tandaan mo, si Rizal kahit na bayani medyo babaero din. Walang taong perpekto. Kahit naman ikaw di ba? Meron ka ding kapintasan? Baba mo ng konti, yung makatarungang pamantayan lang. Baka naman naghahanap ka ng Richard Gomez eh Pokwang na Pokwang naman ang dating mo. Lumagay ka lang sa dapat mong kalagyan. Baka naman naghahanap ka ng kasing yaman ni Zobel eh ikaw naman eh pobre din lang naman. Huwag. Huwag ganoon. Para kang g**o non. Baka naman naghahanap ka ng smart, na gwapong, mayaman. Ate, kung ganon ang hanap mo, malamang tatandang dalaga ka na talaga. Di lahat binibigay ni Lord. Di bale kung salat sa face value, babawi na lang siguro yung sa bait at sa talino. Kung puro face value naman, at salat sa kaalaman or masama ang ugali, manalig ka na lang na baka pag pinakain mo ng gulay tumalino or ito the best, lahat naman ng tao nagbabago. Pwede pa 'yan bumait.
3. Hindi ka lumalabas ng bahay. O baka lumalabas ka nga ng bahay, sa opisina lang naman ang punta mo. Huwag ganon. Sumama ka sa mga kaibigan mo, mag-mall ka, magsimba ka, mag-outreach program ka. Huwag mong panisin ang sarili mo sa bahay dahil wala talagang makakapansin sa iyo sa bahay. Mag-aral ka ng painting, voice lessons at Yoga. Imaginine mo kung magka-boyfriend ka na Yoga master? or di kaya, chef. O di ba cool 'yun? Magliwaliw ka sa bookstores, sa coffee shops, at kung saan-saan pang mataong lugar. Baka sakali mapansin ka doon.
4. Baka naman sobrang tapang mo. Oo nga naman, baka naman sobrang masungit ka at natatakot sa iyo ang mga potential suitors mo. Baka dapat kang maging approachable ng konti. Baka masyadong maangas ang dating mo imbis na matuwa sa iyo matakot. Baka sobrang independent mo, at parang mabubuhay ka ng wala silang lahat. Minsan may epekto rin 'yan. Baka sobrang talino ng dating mo pakiramdam nila mababara lang sila or baka 'pag pinadalhan ka ng love letter eh i-edit mo ng red ink pen. Magkunwari ka kayang t**** paminsan-minsan, tingin mo?
5. Baka naman kasi losyang ka. Oo nga naman, mag-ayos ka paminsan-minsan kaya lang kung pangit ka, pangit ka talaga. No amount of make up can change that. Pero at least pwede ma-enhance ng konti.
6. Baka naman hinahanapan pa ni Lord ng ribbon ang para sa iyo. Natatandaan ko ang sabi ng kaibigan ko. Blessing daw from the Lord ang mga girlfriends/boyfriends. O eh baka naman hinahanapan pa ni Lord ng magandang ribbon yung regalo mo. Kasi baka daw 'pag hindi maganda ang packaging i-reject mo.
7. Baka naman nagtitipid sa toll fee yung para sa iyo. Malay mo kasi taga-Norte yung para sa iyo eh mahal naman ang toll fee. Baka nagtitipid dumaan sa walang toll kaya medyo natatagalan.
8. Baka naglakad yung para sa iyo. Parating na 'yon kaya lang mahal ang gasolina so naglakad na lang papunta sa iyo. Besides, walking is good for the heart daw. Baka sa kakalakad naligaw na. Ito pa namang mga lalaking ito, hindi magtatanong kung hindi pakiramdam nila naliligaw na sila.
9. Baka naman sadyang torpe lang yung para sa iyo. Baka naman nag-iipon pa ng lakas ng loob o di kaya nag-iisip pa ng magandang tiyempo. Baka talagang hindi lang siya makapag-salita dahil sobrang mahiyain niya. Baka naman dapat makiramdam ka rin ng konti kasi talagang deadma ang dating nito. Baka dapat tinatanong ng unti-unti.
10. Baka naman talagang for single blessedness ka. Ipagdasal mo. Baka naman kasi pinapagod mo ang sarili mong kakaisip bakit you're still single eh hindi naman kasi marriage ang plan ni Lord for you. Paminsan-minsan magtanong ka kasi sa Kanya baka naman ikaw ang naliligaw. Baka naman ikaw ang nagtitipid. Baka naman kasi ikaw ang torpe. Baka naman kasi ikaw ang problema. Gasgas man, pero sasabihin ko pa rin. Darating Din Yun. Kung para sa iyo, para sa iyo. Kahit iwasan mo, para talaga sa iyo.
Subject: Mga ARAL ng MAGULANG…
**this is really funny:
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit
> ginintuang butil ng payo na nakuha ko sa aking mga
> magulang:
>
> 1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB
> WELL DONE.
> "Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa
> labas! Mga lec he kayo, kalilinis ko lang ng bahay."
>
> 2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
> "Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka
> na!"
>
> 3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
> "Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
>
> 4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
> "Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang
> magisa ang manonood ng sine."
>
> 5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig
> sabihi ng IRONY.
> "Sige ngumalngal ka pa at bibigyan tala ga kita ng
> iiyakan mo!"
>
> 6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang
> CONTORTIONISM.
> "Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan
> mo!!!"
>
> 7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig
> sabihin n g STAMINA.
> "Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos yang
> lahat ng pagkain mo!"
>
> 8. At si Inay ang nagturo sa a! min k ung ano ang
> WEATHER.
> "Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong
> magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"
>
> 9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa
> CIRCLE OF LIFE:
> "Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito,
> maari rin kitang alisin sa mundong ito."
>
> 10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR
> MODIFICATION.
> "Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang
> ; Nanay mo!"
>
> 11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin
> ng GENETICS.
> "Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"
>
> 12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong
> ibig sabihin ng ENVY.
> "Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo
> nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad
> namin?"
>
> 13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
>
> "Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa
> bahay!"
>
> 14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong
> ibig sabihin ng RECEIVING.
> "Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"
>
> 15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang
> HUMOR.
> "Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong
> lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at
> lulumpuhin kita!"
>
> 16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina
> Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
> "Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak maging
> katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!"
WORDS WOMEN USE:
for men:
>>FINE>>This is the word women use to end an
argument when they are right and you need to
shut up.
>>FIVE MINUTES>>If she is getting
dressed, this is half an hour. Five minutes is only
five minutes if you have just been given 5 more
minutes to watch the game before helping
around the house.
>>NOTHING>>This is the calm before the storm.
This means "something," and you should be on
your toes. Arguments that begin with 'Nothing'
usually end in "Fine"
>>GO AHEAD>>This is a dare, not permission.
Don't do it.
>>LOUD SIGH>>This is not actually a word, but
is a non-verbal statement often misunderstood
by men. A "Loud Sigh" means she thinks you are
an idiot and wonders why she is wasting her time
standing here and arguing with you
over "Nothing"
>>THAT'S OKAY>>This is one of the most
dangerous statements that a woman can
give to a man. "That's Okay" means that she
wants to think long and hard before deciding how
and when you will pay for your mistake.
>>THANKS>>A woman is thanking you.
Do not question it or faint.Just say you're
welcome.
Para sa mga in love o nagbabalak ma-in-love, read and learn!
Read on… this is something worth sharing :
1. Do not fall in love every time you fall in bed. Learn to detach
emotionally. - true! its physical and emotional…:-)
2. Sex does not equal commitment. - yes, and gifts are not promises…
3. Do not revolve your entire life around him/her. Addiction is bad
for your health! -baby read this oh.
4. Do not cling, act needy or demand. Doormats are for your feet, not
your heart. - correct.
5. It's OK to say NO! - say NO and mean it.
6. Stop talking so much. NEVER reveal everything. - it may be used against you someday.
7. Do not grill them or their friends for information. - have your own friends for goodness sake.
8. Master the art of LISTENING. - you will learn that even the dumbest people has stories to share.
9. Treat him/her as you would your best friend. - true. indeed.
10. Friendship creates long term love and comes before sex.
11. FORGET about fixing your partner. IT WILL NEVER HAPPEN.- yes. though you can always compromise!
12. Your choice of partner is a reflection of who you are and who you
are not! - my baby. we are like fire and ice.
13. Enjoy the moment first. Live in the present.- and dont worry for the future.
14. Don't worry about the ex's or start naming your future children.I never worry about her. she's always worrying about me…wahahha.
15. NEVER read their journal or go through their paperwork.- he is not into that. but i love his love letters. very passionate.
16. If you have no trust, you have no relationship.- baby…let me remind you…
17. Allow space and freedom between you. - its for ya, honey.
18. DO NOT always be available. - we are living together. we are always available for each other.
19. Calling frequently is a turn off and signals insecurity, neediness
and control.- we dont call. hehehe. and i dont want it, too.
20. Open your eyes to lies and cheating, OR… close them…justify
the bad behaviour, and live with the consequences. - not applicable
21. Little or no eye contact? Start walking. They won't even notice
your gone.
22. Anyone preoccupied with their physical appearance and dress,
usually have very little or nothing to offer from within. Look beyond
the physical! - done.
23. Never compromise your values.
24. If you OVER give, you will lose your lover and her/his respect.
25. DO NOT LOSE YOUR IDENTITY.- correct.
26. If someone REALLY wants to be with you, they will be.
27. State your personal rules in the very beginning or expect them to
be broken.
28. If they ask to be just friends, be just that and look elsewhere
for a love partner.
29. If someone wants to really be with you, they will. If they keep
giving reasons for not calling or say they are extremely busy, GET THE
HINT, leave them alone. - he is not worth a rat fuck!
30. Don't ever give up your friends for him/her. - be sure to have your own set of friends, and know his friends as well;
31. If your partner one day leaves you, be sure you have friends,
money, a career and a life of your own which you never gave up. If you
do not, who do you have to blame but yourself! - wahahaha. I think I know someone…pathetic loser.
No one falls in love by choice, it is by CHANCE. No one stays in love
by chance, it is by WORK. And no one falls out of love by chance, it
is by CHOICE.
geez…so informational.
hope you like reading this as much as i do.


